Thursday, March 12, 2009

florante

FLORANTE AT LAURA

(Francisco Balagtas)

Scene 1:

M.Florante: Nakakapagod! Bakit ngayon pa ako naatasang linisin ang bahay?! May lakad pa naman kami ni Menandro! (sits on floor, opens box, sees letter, reads it….5 counts later)

M.Menandro: (enters) Floranz! Ano ba yang ginagawa mo?

M.Florante: Binabasa ko lang to. Nakuha ko mula sa kahon.

M.Menandro: Akin na nga! (gets letter)O Floranteng irog ko, nasan ka naroroon? Ang puso ko’y nalulungkot sa pagkawala mo.

Sana ika’y magbalik

Sigla ko’y ihatid

Upang puso kong umiiyak

Ay ngumiti ulit

Ngayong ika’y wala

Sa aking paningin

Ang isipan ko

Parang dumidilim

Pakiusap ko

Sana Ika’y dumating na

Ang liwanag sa aki’y ialay

At pag-iibigan natin, uli’y gawing makulay

M.Florante: Sino kaya ang may gawa niyan? Kapangalan ko pa iyong irog niya.

M.Menandro: Tingnan mo oh! May lagda. “Tunay na umiibig sayo, Laura”.

M.Florante: Sino kayang Laura to?

M.Menandro: Aba! Mala’y ko! Pano ko malalaman e ikaw nakahanap niyan? (Stand up) Buti pa, tapusin mu nalang iyang paglilinis mo. Puntahan mo nalang ako sa ahay pag tapos ka na.

M.florante: O sige, bibilisan ko na to.

M.Menandro: Sige. Bye!

Scene 2:

M.Florante: (about to go to bed, box on his bed, sit beside it, and get letter on top o it, open letter again) Ba’t di ko maalis sa isip ko iyon sulat? Ba’t parang kakilala ko itong si Laura? Ba’t parang gusto ko siyang sulatan? (Stand up, go to backstage, go back with paper and pen)

Ewan ko kung sinong Laura ka. Pero hindi kita aalis sa isipan ko. Natatagpuan ko nalang ang sarili kong iniisip ka palagi. Parang nararamdaman kita sa puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sanakong sino ka man tulunsgn mo akong liwanagan ang aking sarili. Naguguluhan, Florante (fold later, place on top of box, stare at it….3 counts)

M.Florante: Ano ba ‘tong ginagawa ko? Nababaliw na yata ako!

(place box aside, bukot, lie down, off lights…10 counts later…on lights, alarm clock rings, bumulikwas)

M.Florante: Anong oras na ba? (look at watch) Mahuhulo na ako!!! (go to backstage, come back with uniform on…run through the box, a letter flies)

M.Florante: Ano ito?

From Backstage: Florante!Bilisan mo na! Mahuhuli ka na!

M.Florante: Naku! (Picks letter, run backstage…10 counts…go back onstage…read while walking.)

Florante! Napakasakit ng tanong mo! Ako ito…si Laura, ang babaeng tapat na umiibig sayo. Ang babaeng inalayan mo ng pag-ibig. Ang babaeng panangakuan mo ng kasal. Ang babaeng para iyo ay umiiyak ngayon.

M.Florante: Baliw ba to?! Ni hindi pa ako nagkaka-nobya tapos sinasabing pinangakuan ko daw siya ng kasal!! (Adolfo comes and stab him)

M.Adolfo: Akin lang siya!!!

SCENE 4:

Narrator: Sa isang mapanglaw na gubat, may lalaking nakatali sa puno. Makikita sa kanyang mga mata ang hinanakit ng kanyang puso.

Florante: O Laura irog ko, bakit mo ako niloko. Pag-ibig ko sa ‘yo ay tunay, bakit mo nagawa sa akin ‘to. (Florante looks up to the sky) Kung naririnig man ng langit itong aking pag-samo, ako’y kunin na at tapusin ang aking paghihirap.

Narrator: Sa loob ng gubat, may dalawang leon na naghahanap ng pagkain at si Florante pa ang napiling tanghalian nito.

Florante: Wala na akong dahilan upang mabuhay pa kaya kainin n’yo na ako!

Narrator: Dahil sa sawing pag-ibig at mapait na kapalarang kanyang natamo, nanghinaan ng loob ang makisig na binata. Lalapain na sana siya ng dalawang leon, nang biglang may dumating…

Aladin: Layuan n’yo siya!!! (Aladin fights with the two lions until he finally defeats them)

Narrator: Isang magiting na lalaki ang nagligtas kay Florante sa tiyak na kamatayan. (Aladin unties Florante and lays him down) Binantayan ng lalaki si Florante hanggan nagkamalay na ito.

SCENE 5:

Florante: Nasaan nako? Sino ka? Anong ginagawa mo dito?

Aladin: Ako si Aladin, isang Moro. Ako ang nagligtas sa ‘yo sa dalawang leon. Sa kasuotan mo, tila taga-Albanya ka.

Florante: Ang pangalan ko ay Florante at taga-Albanya ako. Mag-kaaway ang ating bayan at lahi, bakit mo ako niligtas?

Aladin: Narinig ko ang iyong hinagpis at naramdaman ko na kailangan mo ang tulong ko. Magkwento ka nga kung bakit ka nandirito:

Florante: Ako’y anak ni Duke Briceo at Prinsesa Floresca ng Albanya.

(Memories start flashing back)

Floresca: Ahhhhhh! Tulongan n’yo ako, may buwitre! Florante, anak ko! (Menandro enters with a bow and arrow)

Narrator: Noong sanggol pa lamang si Florante, muntik na siyang atakihin ng buwitre. Mabuti nalang maliksi si Menalipo at nailigtas niya si Florante sa kuko ng buwitre.

(Change setting)

SCENE 6:

Narrator: Lumipas ang maraming taon. Si Florante ay lumaking isang mabait na binatilyo. Ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Atenas upang doon mag-aral. (Florante enters and he is greeted by Antenor, Menandro and Adlofo)

Antenor: Maligayang pagdating sa Atenas, Florante! Magustuhan mo sana ang iyong pamamalagi dito. Ito naga pala si Menandro at Adlofo. (Antenor gestures at Menandro at Adolfo)

Menandro: Ikinagagalak kitang makilala, Florante. Sana’y maging mabuti tayong magkaibigan.

Narrator: Magaling si Florante sa halos lahat ng bagay. Kaya natakot si Adolfo na baka siya ay matalbugan ni Florante. Isang masamang plan ang nabuo sa isip ni Adolfo. Nagkaroon ang paaralan ng isang dula-dulaan. Sina Adolfo at Florante ang gumanap bilang magkaribal na magkapatid. Binalak ni Adolfo na patayin si Florante sa eksena kung saan sila ay maglalaban. Sa kabutihang-palad, nailigtas ni Menandro si Florante. Malaking kahihiyan at parusa ang tanggap ni Adolfo.

Antenor: Nakakahiya ang ginawa mo Adolfo! Paano mo matatawag ang iyong sariling isang kagalang-galang na binata. Umalis kana sa paaralang ito.

Narrator: Umuwi si Adolfo dala ang kanyang kahihiyan. Namalagi si Florante sa Atenas sa loob ng anim na taon. (Marco enters bringing a letter for Florante)

Mensahero: (bows) May liham po para sa inyo, galing sa inyong ama.

Florante,

Ikinalulungkot ko pero hindi ang iyong ina ang unang sasalubong sa iyo sa iyong pag-uwi. Kinuha na siya ng Diyos at ibinilin ka niya sa akin.

Sana

ay maka-uwi ka agad dito sa Albanya.

Iyong ama,

Duke Briceo

Narrator: Nagpaalam si Florante at umuwi siya sa kanyang bayan. Sinalubong siya ng kanyang ama. Ipinakilala siya ng duke kay Haring Linceo. Sa anim na taon na pamamalagi ni Florante sa Atenas, lumaki siyang isang makisig na binata.

Haring Linceo: Nais kong ipakilala sa inyo ang aking kaisa-isang anak, si Prinsesa Laura. (Laura enters, FLorante stares at her beauty)

Narrator: Nagkatagpo ang kanilang mga mata at parang tumalon sa saya ang kanilang mga puso. (old people chatting while the youngsters are talking)

Haring Linceo: (facing Florante) Narinig kong magaling kang makipaglaban, Florante. Aatasan kitang pamunuan ang aking hukbo sa Krotona. (exit stage)

SCENE 7:

(Laura and Florante alone will enter the stage)

Florante: Laura, tayo muna ay magkakalayo pansamantala. Kailangan kong pamunuan ang hukbo ni Haring Linceo sa Krotona. Pero, huwag kang mag-alala, babalik ako para sa ‘yo. (Florante holds her hand)

Laura: Ipangako mo sa akin na babalik ka.

Florante: Pinapangako ko. May ibibigay ako sayo. (Florante gives Laura a bracelet. Partner of the bracelet) (Laura looks at it, she smiles)

Laura: Maghihintay ako… (***Hugz***)

SCENE 8:

Narrator: Kasama si Menandro, tinalo nila ang mga Moro na sumakop sa Krotona. Nabawi nila ang kahariang Krotona at napatay ni Florante si Osmalic.

Menandro: (facing Florante) Kailangan nating ibalita sa Albanya ang ating nakamit na tagumpay!

Narrator: Umuwi sila bitbit ang tagumpay, pero nasindak sila sa kanilang nakita. Ang watawat ng mga Persiano ang iniwagway sa palasyo. Kasama ng kanilang hukbo, nilusob nila ang Albanya. Pinalaya ang lahat ng mga bihag kasama na doon si Laura, Haring Linceo, Duke Briceo, Adolfo at lahat ng mga ginagalang na ginoo sa plasyo. Umatake ni Miramolin, isang Turko, kasama ng kanyang hukbo ang Albanya. (Miramolin and army attacks)

Florante: Sulong mga kapatid!!!

Hukbo: Sulong!!!!!!!!! (fighting scenes)

Narrator: Matapos ang madugong laban, natalo nina Florante at Menandro ang hukbo ni Miramolin.

SCENE 9:

Narrator: Sa Etolya, nakatanggap si Florante ng liham galing sa Haring Linceo. Nakasaad sa liham na iwan na ni Florante ang hukbo kay Menandro at umuwi na.Umuwi si Florante at napansin niyang tila maykaka-iba sa palasyo.

Kawal: Dakpin siya!! (other kawals also arrest him, Florante struggles)

Florante: Ano bang nagawa ko sa inyo?! (end of Florante’s flashback)

(back in the forest)

Florante: Ikinulong ako doon sa loob ng labing-walong araw. Pagkatapos tinali na ako sa puno kung saan mo ako natagpuan.

Aladin: Pareho pala tayong kwento. Pinamunuan ko ang hukbo na sumakop sa Albanya. Iniwan ko ang Albanya, hinuli ako dahil umalis ako ng walang paalam sa aking ama, si Sultan Ali-Adab. Hinatulan ako ng kamatayan pero nailigtas ako sa kondistong, magpakalayo-layo na ako. Napadpad ako dito sa gubat kung saan kita natagpuan.

Narrator: Napag-desisyonan ng dalawa na hanapin ang daan palabas sa gubat. Nagpatuloy silang lumakad, nang marinig nila ang hinagpis ng dalawang babae.

SCENE 10:

Narrator: Ang hinagpis ay nanggaling kay Laura at Flerida. Nagkita ang dalawang dilag at doon isinalaysay ni Flerida ang kanyang kwento.

Flerida: Umiibig ako sa isang nag-ngangalang Aladin. Hinatulan siya ng kamtayan ng kanyang sariling ama. (Flerida’s Flashback)

Sultan Ali-Adab: Hinahatulan kita ng parusang kamatayan!(pointing at Aladin)

Flerida: (bows) Mahal na sultan, nakiki-usap ako sa inyo. Patawarin ninyo si Aladin. Gagawin ko ang lahat ng iyong iuutos, hayaan mo lang siyang mabuhay.

Sultan Ali-Adab: Gagawin ko lang yan, sa isang kondisyon. Pakasalan mo ako at titiyakin ko na mabubuhay pa siya ng matagal.

Flerida: Pumpayag ako. (sad expression) (Sultan Ali-Adab grinning)

Flerida: Sa araw ng aming kasal, nagdamit gerero ako at tumakas upang hanapin si Aladin. Sa halip, narinig kita at iniligtas kita kay Adolfo.

SCENE 11:

Narrator: Tuluyan ng bumagsak ang Albanya sa kamay ni Adolfo. Nag-alsa ang mga tao. Inutos ni Adolfo na pugutan ng ulo ang Duke Briceo at Haring Linceo. Si Adolfo ang sumulat kay Florante para bumalik ito sa Albanya.

(back in the forest)

Laura: Si Adolfo ang nasa likod ng lahat ng kamalasan ng albanya ngayon. Hanggang ngayon, inaalala ko pa rin si Florante (looks at the bracelet). (Florante and Aladin emerge out of the bushes)

Florante: Laura, mahal ko!!!

Aladin: Flerida, sinta!!!

Narrator: Nagkalinawan ang magkasintahan . Sa pamumuno ni Menandro at Florante, nabawi nila ang kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Flerida at Aladin bilang mga Kristiyano. Nagpakasal ang dalawang pares. May mga kumalat na balita na namatay na ang sultan.

Aladin: Kaibigan, kailangan na naming bumalik at pamunuan ang aming bayan. Hanggang sa muli!!!

Flerida: Paalam!

Narrator: Simula noon, naging mapayapa na ang mga taga-Albanya at Persia.

MODERN WORLD:

Narrator: Sa kasalukuyan, pinayagan na ni Dr. Aladin si Florateng lumabas ng hospital. At bumalik si Florante sa lugar kung saan nagsimula ang lahat matapos ang mahiwagang sulat.

M.Florante: Dito nagsimula ang panaginip. (when M.F says dito, M.Laura enters, busy looking inside her back, after panaginip, bumps into M.F )

M.Florante: Laura? (turn off lights)

florante at laura